Home NATIONWIDE Babae arestado sa tangkang pagbebenta ng sanggol online sa halagang P60K

Babae arestado sa tangkang pagbebenta ng sanggol online sa halagang P60K

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang isang 23-anyos na babae mula sa San Roque, Northern Samar sa umano’y pagbibenta ng kanyang dalawang buwang sanggol online sa halagang P60,000.

Ang suspek na hindi pinangalanan, ay nagpost ng advertisement sa Facebook kung saan ibinibenta niya ang kanyang anak.

Dumulog sa Women and Children Protection Center (WCPC) ng Philippine National Police ang isang concerned citizen na nakakita ng post.

Rumesponde sa post na ito ang mga awtoridad at nagpanggap na bibili ng bata.

Nagpatuloy ang negosasyon na nagresulta sa transaksyon sa Barangay Narra, Catarman, Northern Samar.

Inaresto ng pulisya ang suspek at nasagip ang dalawang bata matapos ang transaksyon.

Itinurn-over naman ang tatlong bata sa San Roque Municipal Social Welfare and Development Office para sa kanilang proteksyon.

Sinampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9208, o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, na may kinalaman sa RA 7610, o kilala bilang Anti-Child Abuse Law ang naarestong ina. RNT/JGC