Home NATIONWIDE Babae patay, bata sugatan matapos masapul ng motorsiklo habang tumatawid

Babae patay, bata sugatan matapos masapul ng motorsiklo habang tumatawid

108
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang babae habang sugatan ang apat na taong gulang na batang babae matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada as Calamba City, Laguna nitong Huwebes, Mayo 7.

Sa report, kinilala ng Police Regional Office 4-A ang mga biktima na sina “Madonna,” 37, at “Jaja,” 4.

Tumatawid umano sa kalsada sa Barangay Makiling alas-8 ng umaga ang dalawa nang mabangga ng motorsiklo na minamaneho ng 27-anyos na lalaki na kinilalang si “Jayson.”

Tumilapon ang dalawang biktima at bumagsak sa kalsada.

Agad na isinugod ng mga rumesponde ang dalawang biktima sa Jose P. Rizal Memorial Hospital, ngunit namatay si Madonna bandang 9:02 ng umaga habang ginagamot.

Nakaligtas naman ang bata.

Nahaharap sa reklamong kriminal ang rider ng motorsiklo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here