MANILA, Philippines – Patay ang isang babae matapos masagasaan ng bus sa intersection ng
JP Rizal at P. Tuazon sa Barangay Marilag, Quezon City, nitong Sabado ng gabi, Disyembre 7.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, nangyari ang insidente alas-6 ng gabi.
“‘Yung bus medyo mabilis ang pagleft tapos patawid yung babae so yun nabundol siya,” sinabi ni barangay administrator Gerard Alejo sa panayam ng ABSCBN News.
Naipit sa ilalim ng bus ang biktima kaya hindi agad ito nadala sa ospital.
“Naipit siya dun sa ilalim nung bus, nag-stay pa siya dun mga 2 hours pa dun eh para maiangat siya. Tapos napick-up na rin siya nung funeral home,” ani Alejo.
Iniimbestigahan na ng Quezon City Traffic Sector 3 ang kaso. RNT/JGC