MANILA, Philippines – Nangako si Senador Ronald ‘Bato” Dela Rosa na magiging patas at walang kikilingan sakaling matuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na inihain sa Mababang Kapulungan sanhi ng katiwalian.
Sa virtual press conference nitong Biyernes, sinabi ni Dela Rosa na muna nito ilalantad ang kanyang boto sakaling matuloy ang impeachment trial.
“I will vote (at) the proper time. Right now, I cannot give you my vote. Maniwala kaya ang tao sa akin? Sana maniwala sila,” ayon kay dela Rosa sa virtual interview.
Inamin din ng senador na malaking papel ang gagampanan ng pagkiling pulitikal nito sa impeachment process dahil pulitika din ang ugat at prinsipyo ng impeachment.
“Chances are lalabas at lalabas talaga d’yan ang political color mo. Chances are talagang hahantong yan sa kampihan,” aniya.
Naniniwala si Dela Rosa na matutuloy ang impeachment trial kay Duterte dahil isa itong planadong pagkilos laban sa bise president.
“Kasasabi nga lang, kapapalabas lang ng text ng Presidente nu’ng araw na ‘to. Kinabukasan nandoon na sila, nag-file na sila kaagad,” aniya.
Idinagdag niya na kahit sagutin at tugunan ni Duterte ang isyung bumabalot sa paggamit ng confidential funds, itutuloy pa rin ang impeachment.
“From the very beginning kahit haharap siya o hindi, nakaplano na ‘yang impeachment na ‘yan. Hindi man ‘yan mag-iimbestiga kung walang balak na impeachment. Lokohin nila yung pagong… Otherwise, kung wala silang balak i-impeach si VP Sara, ‘di yan nag imbestiga,” aniya.
Kasabay nito, dapat umaksiyon ang chief executive sa panawagan nitong huwag ituloy ang impeachment process na isinagawa ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na nag-text siya sa mambabatas na itigil ang paghahain nito laban kay Duterte.
“Dapat hindi lang hanggang text dapat may aksyon talaga… Kung totoo talaga ‘yun, ‘di lang ‘yun for show or para panghugas kamay na text… sana may epekto, maramdaman natin ang epekto kahit sabihin na nating panghihimasok sa trabaho ng legislative. Pero kung meron siyang unofficial control over these people maramdaman natin through the actions ng mga taga House of Representatives,” aniya. Ernie Reyes