Home METRO Babae patay sa selos, ka-live in nagsaksak sa sarili dedo

Babae patay sa selos, ka-live in nagsaksak sa sarili dedo

DAVAO CITY- INATADO ng saksak hanggang sa mamatay ang isang babae ng kanyang kinakasama dahil umano sA selos saka naman nagsaksak sa sarili ang suspek noong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Kimberly Pascua, 32-anyos at Jerry Cordova Jr., nasa hustong gulang, construction worker at kapwa nakatira sa Tigatto,Buhangin District,Davao City.

Batay sa report ng Davao City-PNP, bandang 12:00 PM ng maganap ang insidente sa loob ng laundry shop na pinagtatrabahuhan ni Pascua sa Deca Homes Esperanza,Tigatto,Buhangin District,Davao City.

Batay sa kuha sa CCTV sa loob ng laundry shop, nagtatalo ang dalawa dahil sa matinding selos ni Cordova hanggang sa hindi nakapagtimpi ang suspek at kinuha nito ang patalim na sukbit sa kanyang likuran.

Dito, pinagsasaksak ang biktima sa iba’t iba’t parte ng katawan saka dinala sa likuran bahagi ng establisyemento.

Napansin ng suspek na hindi na gumagalaw si Pascua kaya sunod naman ito nagsaksak sa sarili .

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar naabutan na lamang nila ang dalawa na kapwa naliligo sa sariling dugo at wala ng mga buhay. /Mary Anne Sapico