Home NATIONWIDE Rice export ban ng India, dapat paghandaan ng PH – Poe

Rice export ban ng India, dapat paghandaan ng PH – Poe

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Grace Poe sa gobyerno na paghandaan kaagada ng desisyon ng India na ipagbawal ang pagluluwas ng bigas sa ibang bansa, sa harap nang paglubog ng sakahan sa maraming bahagi ng Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services na magreresulta ng export ban ng pagtaas ng halaga ng pagkain hindi lamang sa lokal na pamilihan, kundi sa pandaigdigang merkado.

Aniya, masaklap ang desisyon sa gitna ng pananalasa ng bagyo at habagat na nagpalubog sa maraming palayan at nagbaha sa maraming lugar sa bansa.

“Hindi naman natin masisisi ang India sa kanilang desisyon. May obligasyon silang unahin ang kapakanan ng kanilang 1.4 billion na mamamayan,” ayon kay Poe.

“Ngunit, may obligasyon rin tayo sa 113 milyon na mga Pilipino, lalo na sa 3.4 milyon na mga kabataan at mag-aaral na umaasa sa Feeding Program ng gobyerno. Kapag sila ay nagkulang sa timbang, tayo ang may pagkukulang,” dagdag niya.

Inihayag ng India, pinakamalaking rice exporter sa buong mundo, nitong Huly 20, ang pagbabawal sa pagluluwas ng non-basmati white rice exports upang baasan ang domestic inflation.

Binanggit ni Poe na nakakakunsum ang Filipinbo ng 118.81 kilo o dalawang sako ng bigas kada taon at tinukoy din ng Philippine Statistics Authority that the Philippines na umabot lamang sa 81.5 percent ang pagiging rice self-sufficient ng bansa.

“The reasons for such high import dependence are too many to discuss here. Simply put, our agriculture sector is not blessed with either good geography or good governance,” ayon kay Poe.

Sinabi ng mambabatas na umangkat ang bansa ng 3.79 million metric tons (MT) ng bigas noong nakaraang taon, kabilang ang 3.16 million MT na galing sa Vietnam at 10,045 MT sa India.

“But this does not exclude us from the collateral impact of their (India) decision. The decline in global supply from the biggest rice exporter is expected to cause a spike in global rice prices because of speculation,” aniya.

Base sa datos na nakalap sa kanyang tanggapan, sinabi ni Poe na kumakatawan ang non-basmati rice sa 81.2 porsiyento ng kabuuang export ng India, na kanilang ipagbabawal iluwas.

“This means that in one fell swoop, India has created a 17.86 million MT shortage in the global rice market. Those who will fill that gap can certainly charge a premium,” aniya.

Binanggit din niya na umabot sa 90 porsiyento ng inaangkat ng bigas ng bansa ang naggagaling sa Vietnam na nagtaas ng halaga mula sa dating USD600 per MT kumpara sa dating USD500 kada MT.

Nangako si Poe na kanyang hihimayin ang 2024 budget ng Department of Agriculture na umaasang hindi lamang ito itataas kundi papabilisin ang paggastos sa bagay na kailangan ng mamamayan. Ernie Reyes