Home METRO Babae tiklo sa voice phishing scam; 8 kasabwat buking

Babae tiklo sa voice phishing scam; 8 kasabwat buking

108
0

MANILA, Philippines- Isang 34-anyos na babae at walong iba pa na nambiktima sa pamamagitan ng voice phishing ang nadakip sa visa ng search warrant sa General Trias City at Trece Martires City, Cavite.

Base sa nakalap na impormasyon, bandang alas-9 ng gabi nang maaresto si alyas Apol, 34, sa bisa ng dalawang search warrant sa Seize and Examine Computer Data (WSSECD) dahil sa paglabag sa Sec 4(b) (2) (Computer-related Fraud) ng R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012 ) sa loob ng kanyang opisina sa General Trias City, Cavite at sa kanyang bahay sa Trece Martires City, Cavite.

Ang implementasyon ng search warrant ay isinagawa bunsod ng nakarating na impormasyong sa Cyber Response Unit (CRU) ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (ACG) mula sa mga biktima ng Voice Phishing o Vishing scam.

Dahil dito, ang mga operatiba ng cyber group ay nagsagawa ng case build-up at surveillance na umabot ng halos walong buwan upang makakuha ng sapat na ebidensya.

Dahil sa pagkakaaresto sa suspek, nadiskubre ang walong indibidwal na sangkot din sa operasyon ng scam na nagpapanggap na bank employees kung saan nakakuha ng pera mula bank accounts ng mga biktima.

Narekober mula sa suspek ang iba’t ibang registered SIM cards, Information and Communication Technology (ICT) devices, bank documents, at scripts na kanyang ginagamit kapag tumatawag sa mga biktima. Kasama sa  bank documents ang iba’tibang bank accounts at record ng mga credit card account na may mga personal information ng mga biktima.

Nasa kustodiya ng PNP ACG ang suspek upang kaharapin ang kasong isinampa laban sa kanya. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here