Home METRO Lolo utas sa bisikleta

Lolo utas sa bisikleta

128
0

ILOCOS SUR- Patay ang isang 72-anyos na lalaki matapos na sumemplang ang minamaneho nitong bisikleta sa Brgy. Oaig-Daya, Candon City ng lalawigang ito bandang alas-10:20 kaninang umaga.

Kinilala ng Candon City Municipal Police Station ang biktima na si Ernesto Atad y Lopez, 72, walang asawa, residente ng naturang lugar.

Ayon sa saksi na nakausap ng Candon CPS, nakita niya ang biktimang nakasakay ng bisikleta na papunta sa silangang direksyon.

Bigla umanong nawalan ng kontrol ang biktima sa manibela ng minamanehong bisikleta hanggang sa matumba ito sa kalsada.

Nagtamo ng head injury ang biktima na agad na isinugod sa Ilocos Sur Medical Center sa naturang lungsod.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Base sa pahayag ng doktor, ang cause of death ng biktima ay head injury through internal bleeding and, secondarily, a heart attack. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here