MANILA, Philippines – Isang babaeng Chinese ang ninakawan at ginahasa ng kapwa Chinese sa loob ng isang hotel sa Pasay City.
Ayon sa ulat, ang 38-anyos na biktima ay nakikipagtransaksyon sa suspek online para magpapalit ng kanyang pera mula Chinese Yuan patungong Philippine Peso.
Nang magkasundo ay pumayag ang biktima na makipagkita sa suspek sa isang hotel sa Pasay City.
Inakala umano niya na babae ang katransaksyon kaya siya pumayag na makipagkita sa naturang hotel.
“Unfortunately, when she went to the appointed room, there were another three males [and] they actually controlled her and forced her to pass all of her items… They did something [like] sexual harassment to her… She had no choice because it was life threatening and it was about life or death,” salaysay ng kaibigan ng biktima, sa panayam ng GMA News.
Matapos gahasain ay ninakawan pa ito ng nasa P20,000 halaga ng mga gamit at pera.
Nang pakawalan ay dito na nagsumbong ang biktima sa Pasay City Police, kung saan agad naming nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at naaresto ang babae at lalaking mga suspek mula sa naturang hotel room.
Nasamsam sa mga ito ang dalawang baril.
“Foreign national sila. Bakit naman mayroon silang baril? It’s a part of the investigation, tatanungin natin ano trabaho nila dito. Anong purpose na nandito sila sa bansa natin? ‘Yun naman yung inaano natin… pero sa ngayon, di pa natin masabi kung involved ba sila sa POGO operation,” pahayag ni Pasay Police Chief Police Colonel Samuel Pabonita.
Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ang dalawa iba pang suspek. RNT/JGC