Home NATIONWIDE Babaeng kagawad binaril-patay sa harap ng 11-anyos na anak sa Quiapo

Babaeng kagawad binaril-patay sa harap ng 11-anyos na anak sa Quiapo

MANILA, Philippines – Pinagbabaril sa harap ng kanyang 11-anyos na anak sa Quiapo, Maynila ang isang barangay chairwoman.

Sinisilip ng awtoridad ang pulitika bilang motibo sa krimen.

Ang biktima ay kinilalang si Stella Sky Lim ay naglalakad pauwi kasama ang kanyang anak nang lumapit ang mga lalaking nakamotorsiklo. Binaril ng nasa likod ng motorsiklo ang kagawad.

Nakuha ng CCTV footage ang pag-atake.

“Marami rin kaming natutulungan, lalo na ang asawa ko. Napakabait niyan. Niyayakap niya kahit muslim, kristyano… tutulungan niya. Kaya nga nagtataka kami bakit siya babaralin lang ng ganoon,” anang live-in partner ng biktima na si Gilbert dela Cruz.

“Kapag nakaharap ko yung isang nahuli nila, tatanungin ko kung bakit kailangan barilin niya pa. Pwede naman ibigay namin ang posisyon na gusto niyo… Yung pagiging kagawad po kung gusto nila eh, pwede naman namin bitawan e,” dagdag pa niya.

Ipinahayag ng pamilya ng biktima ang kanilang pag-aalala sa trauma na maaaring kaharapin ng anak ng biktima matapos masaksihan ang krimen.

Samantala, sinabi naman ng kapitan ng Barangay 383 na wala rin siyang makitang posibleng motibo na maaaring humantong sa krimen.

“Yung imbestigador, nung tanungin ang asawa niya ano ba ang motibo, ang sabi niya may nakaaway na may umiipit daw sa kanila, sa utang nila. Yun lang alam nilang away. May nakaalitan [din] sila sa parking,” ani Barangay 383 chairman Zobaida Sharief. RNT