NASA larangan ng artistic gymnastics para sa lalaki si Carlos Yulo at nakadalawa na sa pagsali nito sa world Olympic games gaya noong 2020 Tokyo Olympics at 2024 Paris Olympics.
Bata pa si Yulo sa edad na 18 noong Tokyo Olympics at 22 siya ngayong 2024 Paris Olympics.
Pero makapapasok pa kaya siya sa 2028 Long Angeles Olympics?
Walang nakatitiyak, mga brad, lalo’t apat na taon pa ang lalakbayin niya.
Nagsimula ang artistic gymnastics noong 1928 at bahagi ito ng modern world Olympics na nagsimula noong 1896 na taon binitay ng mga Kastila si Gat Jose Rizal.
Si Hidilyn Diaz na gold medalist sa Tokyo Olympics, hindi na nakabalik sa championship makaraang mag-asawa.
May jowa naman ngayon si Carlos at kung mag-aasawa na siya, hindi kaya siya matutulad kay Hidilyn?
Noong 2016, hindi na rin nakabalik si Michael Phelps, Amerikano, may 23 gintong medalya at pinaka sa lahat ng Olympian gold medalist sa buong kasaysayan, makaraang mag-asawa noong 2016.
Sa kasaysayan ng artistic gymnastics, iisa pa lang ang nakapaglaro sa 6 na olimpiada, si Bulgarian Yordan Youchev na naglaro noong 1992, 1996, 2000, 2004, 2008 at 2012.
Ang iba, naka-5 tulad ni Romanian Marian Dagulescu at naka-4 tulad ni Italian Alberto Busnan.
Sa kabila nang pag-aasawa bilang isang harang sa pagbabalik sa olimpiada, dahil bata pa si Carlos, umaasa tayong makadadalo pa siya sa ikatlo niyang paglalaro sa 2028.
Pero paano kung hindi na?
Kaya naman, ngayon pa lang, dapat nang pagsumikapan na ng mga kinauukulan, lalo na ang pamahalaan, na humanap ng posibleng makapapantay o makapapalit niya.
May libo-libong sumasali sa Palarong Pambansa, ROTC Games at iba pang mga palaro.
Tiyak na may mga ala-Yulo o higit pa ang galing mula sa mga ito na pupwedeng pamalit…kung sakaling papalpak si Yulo anomang araw mula ngayon.