Home METRO Babaeng ‘kasabwat’ sa pangmomolestiya ng kinakasama sa anak kalaboso!

Babaeng ‘kasabwat’ sa pangmomolestiya ng kinakasama sa anak kalaboso!

CAMP Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Nalambat ng mga pulis ang isang 32-anyos na babae nitong Huwebes, dahil sa pagtulong umano sa kanyang kinakasama na gahasain ang kanyang menor-de-edad na anak sa nakalipas na dalawang taon, sa Cauayan City, Isabela.

Nadakip ang suspek na si Ruby, itinuturing na no. 1 most wanted person sa Cagayan Valley o Region 2, sa pamamagitan ng warrant na inilabas ni Judge Mary Jane Socan Soriano, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 19, Cauayan City, para sa nine counts ng rape na walang inirekomendang piyansa.

Nahuli naman ang kanyang live-in partner noong December para sa parehong kaso.

Siyam na beses pinagsamantalahan ang biktima simula 2022 hanggang 2023.

Ayon sa mga pulis, dinala ni Ruby at kanyang kinakasama ang biktima sa isang hotel noong nakaraang taon kung saan siya minolestiya.

Inilipat ang mga suspek sa Bureau of Jail Management and Penology, base kay Police Lt. Col. Ernesto Nebalasca Jr., Cauayan City police chief. RNT/SA

Previous articleTanging DND, si PBBM lang makapagbibigay-impormasyon sa AFP modernization – spox
Next articleTiyahin todas sa pamamaril ng 2 pamangkin sa away sa lupa!