Home NATIONWIDE Tanging DND, si PBBM lang makapagbibigay-impormasyon sa AFP modernization – spox

Tanging DND, si PBBM lang makapagbibigay-impormasyon sa AFP modernization – spox

MANILA, Philippines- Iginiit ng Department of National Defense (DND) nitong Biyernes na tanging ang ahensya lamang at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang makapaglalabas ng pahayag sa pagbili ng mga kagamitan sa ilalim ng umiiral na modernization program ng militar.

“The PN (The Philippine Navy) is developing a sustainable fleet build-up to more effectively perform its mandate. Beyond that, the DND cannot provide additional information,” pahayag ni DND spokesperson Arsenio Andolong.

Ito ay bilang tugon sa mga ulat na bibili ang Navy ng diesel-electric submarine bilang bahagi ng pagsisikap nito na protektahan ang teritoryo at soberanya ng bansa.

Batay din sa mga ulat na ito, ang acquisition ay sa ilalim ng”Rehorizon 3″, isang nirebisang 10-year military modernization plan. RNT/SA