MANILA, Philippines- Iniulat ng Land Transportation Office (LTO) nitong Biyernes na may kabuuang 272,233 motor vehicles ang naiparehistro nitong Enero.
Iniugnay ni LTO chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang tagumpay na ito sa no registration, no travel policy ng ahensya kung saan sinita ang unregistered o “colorum” vehicles mula noong nakaraang taon.
Sa kabuuan, mayroong 198,283 motorsiklo, 20,427 kotse, 34,436 utility vehicles, 12,123 sports utility vehicles, 5,617 taxis, 1,098 tricycles, at 168 buses ang naiparehistro mula Jan. 1 hanggang 31.
Nakapagtala sa LTO-National Capital Region (NCR) ng pinakamaraming registration renewals sa 48,490, LTO-Calabarzon sa 39,680, LTO-Central Visayas sa 30,021 at LTO-Central Luzon sa 25,456.
Noong nakaraang taon, sinimulan ng LTO ang no registration, no travel campaign nito sa pamamagitan ng pagpapaigting sa pagsita sa unregistered vehicles.
Makikita sa datos ng LTO na mayroong halos 24 milyong delinquent motor vehicles sa bansa. RNT/SA