Home NATIONWIDE 48 pasahero, crew nasagip sa tumaob na motorbanca

48 pasahero, crew nasagip sa tumaob na motorbanca

MANILA, Philippines – Tumaob ang isang motorbanca sa baybayin ng Penafrancia, Claveria, Masbate, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng masamang panahon dulot ng bagyong Aghon.

Sa ulat, patungong Masbate City ang MBCA Oceanus Uno nang masalubong ang hindi magandang panahon at tinamaan ng malakas na alon na nagresulta ng pagtaob.

Kaagad na tumugon ang mga tauhan ng PCG at Aroroy MDRRMO sakay ng dalawang rescue boats ay nagtungo sa bisinidad upang magbigay ng tulong sa motorbanca.

Nasagip ng search and rescue (SAR) team ang 48 indibidwal kabilang ang mga pasahero at crew na lahat ay nasa maayos na kalagayan at ligtas.

Itinurn-over ng SAR team ang mga pasahero sa Health Unit Aroroy Municipal Hospital para sa atensyong medikal. Jocelyn Tabangcura-Domenden