MANILA, Philippines – Imbes na ang certificate of no marriage (CENOMAR) na ni-request, kopya ng marriage certificate ang natanggap ng isang babae mula sa Philippine Statistics Authority sa Bacolod City.
Sinabi ni Evelyn Ruelan na hindi pa siya ikinasal kailanman pero nakasaad sa nasabing dokumento na kasal siya sa isang Indian citizen sa Valenzuela.
Sinabi ni Ruelan na hindi niya kailanman nakita ang siansabing asawa sa marriage certificate at hindi pa rin nakakapunta sa Valenzuela.
Sa kabilang banda, tamang detalye niya naman ang makikita sa nasabing certificate of marriage.
Nakatakdang ikasal si Ruelan sa kanyang kinakasama sa Disyembre. Ipagpaliban niya ang kasal hanggang sa maayos ang isyu.
Sinabi ni John Campomanes, punong istatistikal na espesyalista ng PSA sa Negros Occidental, na maaaring may gumamit ng kanyang mga detalye o nabigo ang partido na ibunyag ang nakaraang kasal. RNT