Home METRO Babaeng nagbenta ng sanggol sa socmed arestado

Babaeng nagbenta ng sanggol sa socmed arestado

151
0
Arestado ang isang babae sa pagbebenta ng anim na araw na sanggol online. Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nadakip ng awtoridad ang isang babae na nagtangka na ibenta ang isang anim na araw na sanggol sa halagang ₱25,000 sa pamamagitan ng social media.

Naaresto ang suspek nitong Hulyo 16 sa Muntinlupa City sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa pakikupag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DWSD), Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at Cyber-TIP Monitoring Center.

Una nang nakatangap ng tip ang NBI-HTRAD mula sa Cyber-TIP Monitoring Center na ang suspek ay sangkot sa pagbebenta ng sanggol sa isang Facebook page.

Isang NBI agent ang nagpanggap na buyer at nakipagtransaksyon sa suspek na nagpakilalang isa umanong midwife at inialok ang sanggol na anim na araw pa lamang ipinanganak.

Matapos ang entrapment operation ay itinurn-over ang sanggol sa kustodiya ng DSWD.

Nahaharap ang suspek ng kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons and Child Trafficking sa ilalim ng R.A. No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act in relation to R.A. No. 10175 o Cybercrime Prevention Act. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here