Home METRO Gun ban sa NCR para sa SONA 2024 pinalawig sa 3 araw

Gun ban sa NCR para sa SONA 2024 pinalawig sa 3 araw

96
0

MANILA, Philippines- Pinalawig sa tatlong araw ang gun ban sa National Capital Region (NCR) para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) Secretariat na kasado ang ban sa Sabado at matatapos pagsapit ng hatinggabi sa Hulyo 22, 2024.

“In accordance with the upcoming 3rd SONA 2024 of His Excellency President FERDINAND ROMUALDEZ MARCOS, JR. it has been announced that the PTCFOR will be SUSPENDED from 12:01 AM of July 20, 2024 until 12:00 MN of July 22, 2024 in NCR only,” anito.

“This suspension is a precautionary measure to ensure public safety and security during the event,” dagdag pa.

Bago ang adjustment, inisyal na inanunsyo ng PTCFOR Secretariat ang nationwide gun ban epektibo sa Hulyo 22 lamang.

Halos 22,000 pulis ang magbabantay sa SONA, base sa Philippine National Police (PNP).

“Ang nakikita po natin last time po mga 22,000 na-deploy, ganun pa rin po. Unless we see may mga threats po, there will be more,” ani PNP chief Police General Rommel Marbil.

“Right now, we don’t see any threats but ang sinasabi ko, go signal ko, of course, you have to see yung inconvenience,” dagdag niya.

Magsasagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa SONA ni Marcos, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Inihayag ni Marbil na paiiralin ng PNP ang maximum tolerance sa mga raliyista subalit umapela sa kanila na huwag abalahin ang publiko.

Nauna nang inatasan ni Marcos ang Kamara na tanggapin ang sinumang nais dumalo sa SONA.

Sa seating capacity ng session hall na limitado sa 2,000, sinabi ng Kamara na magdaragdag ito ng mga upuan at bubuksan ang ilang function rooms para sa mga karagdagang bisita.

Bilang security measure, naka-lockdown ang Batasang Pambansa simula Hulyo 19. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here