Home METRO Babaeng nagbibiseklita utas sa suwag ng motorsiklo

Babaeng nagbibiseklita utas sa suwag ng motorsiklo

PANGASINAN- Kamatayan ang sumalubong sa isang babaing nagbibiseklita matapos na aksidenteng mabangga ng motorsilo sa Brgy. Salvacion, Sto. Tomas ng lalawigang ito kahapon, Marso 6.

Hindi pa tukoy ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan sa babaing nakabiseklita samantalang ang Aerox motorcycle ay minamaneho naman ng isang 26-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Kisikis, Alcala, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang motorsiklo ay bumibiyahe papuntang kanlurang direksyon sa provincial road sa nabanggit na lugar.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, ang babaing nakabiseklita na papunta ng silangang dirersyon ay umagaw umano ng linya kaya aksidente siyang nabangga ng lalaking nakamotorsiklo.

Resulta nito, ang babaing nagbibiseklita at pati na rin ang driver ng motorsiklo ay parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Ang dalawa ay agad na isinugod sa ospital.

Gayunman, ang babaing nagbibiseklita ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso