Home METRO Babaeng rider patay sa pagbangga ng motorsiklo sa SUV sa Ilocos

Babaeng rider patay sa pagbangga ng motorsiklo sa SUV sa Ilocos

MANILA, Philippines – Patay ang isang 43-anyos na babaeng rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong Hunyo 9, alas-11 ng umaga.

Nawasak ang motorsiklo ng biktima sa lakas ng pagkakabangga nito sa SUV.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis ang takbo ng motorsiklo at wala pang suot na helmet ang biktima.

Ligtas naman ang drayber ng SUV na handang makipag-usap sa pamilya ng biktima. RNT/JGC