Home METRO Fire volunteer nakuryente sa sunog sa Tondo

Fire volunteer nakuryente sa sunog sa Tondo

MANILA, Philippines – Isang fire volunteer ang iniulat na nakuryente nang rumesponde sa isang sunog sa residential area sa Capulong St., Tondo, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 13.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang P300,000 ang pinsalang dinulot ng sunog na nagsimula alas-10:38 ng umaga sa bahay ni Ronualdo Oligario.

Inakyat sa ikalawang alarma at sa kalagitnaan ng sunog ay may mga nagpuputukan umanong bala ng baril na posibleng naiwan at hindi nabitbit ng may-ari na nasunugan.

Idineklarang fire-out ang sunog alas-12:06 ng tanghali kung saan patuloy na inaalam ng mga arson investigator ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Pansamantala namang nanunuluyan ang mga nasunugan sa covered court ng barangay 108. Jocelyn Tabangcura-Domenden