Home NATIONWIDE Total ban sa illegal POGO, suportado sa Senado

Total ban sa illegal POGO, suportado sa Senado

MANILA, Philippines – Suportado ng ilang lider ng Senado ang pagbabawal sa lahat ng illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na matagal nang ipinanawagan sa pamahalaan matapos ang sunod-sunod na paglusob sa kuta nito sa ilang bahagi ng bansa.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senator Loren Legarda na dapat nang ipagbawal ang illegal na POGO sa bansa.

Ganito ang reaksiyon ng naturang mambabatas isang matapos ihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na pawang problema sa pambansang seguridad ang criminal syndicates na pumupusturang POGO hubs saka binanggit na “we should stop these syndicated criminal activities operating our of our base.”

“I agree with Sec. Teodoro who seems to be referring to illegal POGO operations because he said that ‘do not operate as intended.’ In fact, ALL ILLEGAL POGOS should be closed whether they are close to our military bases or not and their perpetrators arrested,” ayon kay Escudero.

“If, on the other hand, he is ALSO referring to ‘legal POGOS,’ then I suggest that he discuss this matter of ‘national concern’ with PAGCOR as it may involve national security,” ayon sa Senate president.

Binanggit naman ni Legarda na dapat gumawa kaagad ng drastikong pagkilos ang law enforcement upang masugpo ang elementong kriminal na gumagamit ng POGO bilang taguan at ipasara kaagad sila.

“POGOs are a national security threat. Recent discoveries have been very alarming on the human rights and national security fronts…Deport the mainland Chinese who are illegally operating in the POGOs, especially those involved in criminal activities. This is for the sake of the Filipino nation,” ayon kay Legarda.

Inihayag naman ni Estrada na dapat ipasara ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang lahat ng illegal at unlicensed POGO kung may sapat silang ebidensiya.

“Kung may sapat na impormasyon na ang PAGCOR tungkol dito, huwag na sana silang magpatumpik-tumpik pa sa pagpapasara ng mga ilegal o unlicensed na POGOs,” aniya.

Naalarma din ang ilang senador sa operasyon ng POGO malapit sa base militar ng bansa at base sa ulat, umabot sa 250 ang may operasyon nang walang lisensiya.

Anila “prompt out concerned authorities to conduct a crackdown on these illegal entities.”

“Walang mabuting naidudulot ang patuloy nilang pamamalagi sa atin dahil bukod sa hindi naman sila nagbabayad ng kaukulang buwis, samu’t saring krimen at paglabag sa ating batas ang ginagawa ng mga ito,” giit ng senador. Ernie Reyes