Home NATIONWIDE Babaeng sanggol tinamaan ng pertussis sa Negros

Babaeng sanggol tinamaan ng pertussis sa Negros

MANILA, Philippines – Nagpositobo sa pertussis ang isang 2-buwang sanggol sa Negros Occidental.

Ayon kay Gov. Eugenio Jose Lacson, ang kauna-unahang kaso ng pertussis na ito ay nakalabas na ng ospital.

“There is information that the baby came from a household where there were people already coughing,” pahayag ng gobernador.

Ang Negros Occidental ay mayroong 11 iba pang suspected pertussis cases, habang iniulat naman sa Bacolod City ang tatlong sanggol na may probable pertussis.

Kasalukuyang naka-admit sa mga ospital sa Bacolod ang mga sanggol na may suspected pertussis, ayon kay Dr. Grace Tan, City Health Office Environmental Sanitation Division head.

Sa Negros Occidental, ang 11 pasyente na may suspected pertussis ay dalawang buwang gulang hanggang 11-anyos.

Ani Dr. Girlie Pinongan, Provincial Health Officer, ang apat ay naka-admit habang ang iba ay nasa home isolation.

Siyam sa may suspected pertussis, ay mga sanggol at dalawa ang nasa school age.

Ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine ang mga sample para sa pagsusuri. RNT/JGC