Home NATIONWIDE Mga barko ng Pilipinas na escort ng mga mangingisda, binuntutan ng CCG...

Mga barko ng Pilipinas na escort ng mga mangingisda, binuntutan ng CCG vessels

MANILA, Philippines – Binuntutan at pinalibutan ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Pilipinas na patungo sa Recto Bank para sa fishing activities.

Ayon sa ulat, unang sinundan ng dalawang barko ng China ang BRP Lapu-Lapu, na nagsisilbing escort ng mga mangingisdang Pinoy na patungo sa Recto Bank.

Samantala, pinalibutan naman ng mga barko ng CCG ang bangka ng mga mangingisdang Pinoy.

Sa kabila nito, matagumpay pa rin na nailagay ng mga mangingisda ang bamboo rafts na ginagamit sa pangingisda sa guyot.

Matatandaan na noong Hunyo 2019 ay binangga ng fishing vessel ng China na Yuemaobinyu 42212 ang Gem-Ver (Gem-Vir) na naka-istasyon sa Recto Bank.

Nagtuloy-tuloy sa paglalayag ang naturang barko at iniwan ang 22 Pinoy na mga mangingisda sa kalagitnaan ng dagat bago tuluyang nasagip ng dumaang barko ng Vietnam. RNT/JGC