Home NATIONWIDE US, China nagdaos ng military talks sa Hawaii

US, China nagdaos ng military talks sa Hawaii

HAWAII – Nagkita ang mga opisyal ng US military sa kanilang Chinese counterparts ngayong linggo sa serye ng mga pagpupulong sa Hawaii na nakatuon sa ligtas na pag-operate ng dalawang bansa.

Layon ni US President Joe Biden na pangasiwaan ang tensyon sa South China Sea sa isang phone call kasama si Chinese President Xi Jinping noong Martes.

Nagkasundo ang dalawang lider na ibalik ang direct military talks nang magkita ang mga ito noong Nobyembre.

Sa pahayag, sinabi ng US military na ang mga opisyal ng dalawang bansa ay, “reviewed safety-related events over the last few years, and discussed sustaining maritime and aviation operational safety and professionalism.”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng defense ministry ng China na nagkaroon ng ‘candid and constructive exchanges’ ang dalawang bansa sa pagpupulong kaugnay sa China-US maritime at air security situation.

Tinutulan din sa naturang pagpupulong ng China ang anumang tangka na maapektuhan ang soberanya at seguridad sa ngalan ng freedom of navigation at overflight.

Ang usapan na kilala bilang military maritime consultative agreement (MMCA) working group, ay nangyari noong Abril 3 at 4 sa Honolulu, kung saan unang ginanap ang pagpupulong noong 2021. RNT/JGC