Home ENTERTAINMENT Babala ng feng shui expert kay Kim, nagkatotoo!

Babala ng feng shui expert kay Kim, nagkatotoo!

254
0

Manila, Philippines – Dahil isa ring Chinese, malaki ang paniniwala ni Kim Chiu sa feng shui.

Kumonsulta noon ang TV host-actress kay Johnson Chua–isang feng shui expert sa Binondo, Manila.

Kasama niya ang ate niyang si Lakam noon.

Sa video clip na kumalat, mapapansing kinakabahan si Kim habang pinakikinggan ang babala ni Johnson.

Binalaan kasi nito si Kim laban sa mga magnanakaw, among others.

Ani Johnson, hindi lang daw kasi pera ang maaaring nakawin sa kanya kundi maging tiwala niya.

Tulad ng alam ng lahat, nitong December 2 ay sinampahan ni Kim ng kasong qualified theft ang kanyang Ate Lakam sa Quezon City Prosecutor’s Office.

llang buwan na ang nakakaraan nang pumutok ang isyu sa pagitan ng magkapatid involving substantial amounts of money na umano’y winaldas ni Lakam.

Pera ‘yon ni Kim representing her investment sa mga itinayong negosyo kung saan ang inatasan at pinagkatiwalaan niyang humawak ay ang kanyang ate.

Bukod sa pinag-iingat ni Johnson si Kim laban sa mga magnanakaw, binalaan din siya laban sa mga traydor at backbiter.

“Ay, magkakaroon pala ako ng trust issues,” sambit ni Kim–bagay na tila napagtahi-tahi na niya ngayon.

Umani rin ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang video na ‘yon.

Ang latest update, kinonsulta na daw ni Lakam ang kanyang legal counsel, maintaining her innocence sa mga paratang ng nakababatang kapatid.

Marami naman ang humanga kay Kim dahil napagtiisan daw nito ang umano ay atraso ng ate sa matagal na panahon bago magpasyang magsampa ng kaukulang demanda.

Aminado ang aktres na “most painful decision in life” ang naging hakbang niya–without realizing na warning na pala ang pagsangguni niya sa feng shui expert.

Moral of the story: mag-ingat. Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here