Home NATIONWIDE Babala ni PBBM sa LGUs: walang ghost projects, walang kickbacks mula sa...

Babala ni PBBM sa LGUs: walang ghost projects, walang kickbacks mula sa rehabilitation fund

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng local chief executives sa bansa laban sa paggamit sa disaster rehabilitation fund, binigyang diin na ang korapsyon at non-existent projects ay walang lugar sa programa.

Mahigipit na diniscouraged ni Pangulong Marcos ang local chief executives mula sa pakinabang mula sa budget na ipinagkaloob sa kani-kanilang local government units (LGUs), sabay sabing huwag itong gamitin sa personal na pakinabang.

“Pera po ito ng taumbayan at para ito sa mga kababayan nating nasalanta. Hindi ito pondo para pagkakitaan at hindi rin ito pondo para sinumang gustong magpayaman sa gitna ng ating mga nararamdaman na trahedya,” ayon sa Pangulo sa ceremonial turnover ng Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (DRRAP) Funds sa LGUs sa Palasyo ng Malakanyang.

“There must be no room for corruption in this program,” binigyang diin nito.

Sinabi pa niya na walang “ghost projects” at walang o substandard materials ang dapat na madawit sa pondo.

Sa mga taong magtatangka na gawing gatasan ang pondo ay “will face the full force of the law.”

“Bawal ang ghost projects. Bawal ang mga komisyon. Bawal mga substandard na rehabilitation projects,” aniya pa rin.

“Anyone who tries to profit from the suffering of our fellow Filipinos will face the full force of the law,” anito.

Nanawagan naman ang Pangulo sa LGUs na matalino at maayos na gamitin ang pondo at pagsilbihan ang mga tao ng matapat at masigasig na nararapat para sa kanila. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here