Home NATIONWIDE Babala: Pangalan ng Manila City Hall Press Club ginagamit sa pangingikil

Babala: Pangalan ng Manila City Hall Press Club ginagamit sa pangingikil

284
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Manila City Hall Press Club (MCHPC) sa publiko na mag-ingat sa mga indibidwal na ginagamit ang pangalan ng organisasyon upang mangikil.

Lumabas ang babala matapos makatanggap ng ulat ang pangulo ng MCHPC na may isang taong humihingi ng P5,000 sponsorship para sa umano’y forum ng grupo—na agad nilang pinabulaanan.

Ayon kay MCHPC President Jocelyn Tabangcura-Domenden, wala silang inutusan na mangolekta ng pera para sa organisasyon. Hinimok niya ang mga personalidad, negosyante, at politiko na agad ireport sa pamunuan ang sinumang magpakilalang miyembro at manghingi ng pera.

“Kailangan nating pangalagaan ang pangalan ng organisasyon,” giit ni Domenden, na nagbabala ring agad nilang aaksyunan ang sinumang mapapatunayang gumagamit ng pangalan ng MCHPC sa maling paraan, miyembro man o hindi.

Ang MCHPC ay samahan ng mga mamamahayag na nagkokober sa mga aktibidad sa Manila City Hall. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here