Home LIFESTYLE HEALTH Pekeng link sa hospital refund sa no balance policy, ibinabala ng DOH

Pekeng link sa hospital refund sa no balance policy, ibinabala ng DOH

397
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa kumakalat na text scams na nagsasabing may refund mula sa “no balance billing” policy ng administrasyon.

Sa isang abiso, sinabi ng DOH na ang mga text scam ay hindi galing sa ahensya.

Kasabay ng babala, nagpakita rin ang ahensya ng screenshot ng text message na nagsasaad ng refund na P8,067 mula sa zero billing policy na hinihimok ang recipient na suriin ang dapat na balanse ng GCash.

May be an image of text

Ayon pa sa abiso ng DOH, hindi nagpapadala ng links sa publiko ang anumang DOH-run hospital kaya huwag itong i-click sa scam messages.

Nilinaw din ng DOH na, sa ilalim ng zero billing program ng administrasyon, libre o walang charge ang basic o ward accommodation sa DOH hospitals para sa bawat Pilipino.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na maging maingat sa scam. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here