Home ENTERTAINMENT Baby Go, sinampahan ng kaso ang model/producer!

Baby Go, sinampahan ng kaso ang model/producer!

Manila, Philippines – Gaya ng inaasahan ay sinampahan na nga ng kaso ng BG Films producer na si Baby Go ang model/producer na si Marc Cubales. Multiple counts of cyberlibel ang ikinaso ng lawyer ni Madam Baby na si Atty. Ferdie Topacio laban may Marc.

Si Marc ay isang international model at indi film producer ng pelikulang Finding Daddy Blake.

Kung matatandaan, ang isyu ay nag-ugat sa diumano’y paninira ng nasabing model/producer kay Go.

Diumano’y nag-post daw mg isang live video si Marc sa kanyang FB page lung saan ay sinabihan daw niya ng “scammer” at “budulera” si Go.

“Oras na para mabigyan ng hustosya ang pang-aapi sa akin ng isang tao.

“Sa tama lang tayo dahil may isang tạo na gusto lang magpasikat at the expense of my name na inalagaan ko for how many years.

“Pursigido ako na kasuhan siya ng cyberlibel lalo’t ang sabi niya sa isang FB post, e, uubusin niya ang kayamanan niya para lang labanan ako.

“Ako, e, simpleng tao lang na may karangalan na inaalagaan at hindi nagyayabang. Kung ano ako nang nagsimula, ganito pa rin ako hanggang ngayon.

“‘Yung sinabi laban sa akin nu’ng taong ‘yun, e, natural na may epekto dahil may ibang tao na nakakilala sa akin at may mga bago tayong kaibigan na may naniwala sa kanya.

“Gusto kong linisin ang pangalan ko and siya lang ang nakagawa sa akin nu’n kaya dapat, siya’y mag-ingat sa pagsasalita,” mahabang salaysay ni Madam Baby sa interview.

P50 million pesos ang damages na hinihingi ni Madam Baby sa kanyang kinasuhan.

Ayon naman kay Atty. Topacio, sinampahan nila ng kasong cyber libel si Marc sapagkat sa kanyang FB account diumano ay siniraan niya at pinagbintangan ng kung ako-anong krimen ang kanyang kliyente na labag sa batas.

“Umaasa kami na sinula sa araw na ito, e, umuusad na ang justice na sa isang kisap-mata, e, sinira lang ng isang tao.

“Kung siya, e, bibigyan ng pagkakataon ng hukuman na tumugon, e, abangan natin ngunit kung sa tingin naman ng prosecutor, e, isasampa na sa hukuman ang kaso, e, magi-issue ito ng warrant of arrest laban sa kanya,” paliwanag ng abogado ni Go.

Naka-file ang kaso sa prosecutor’s office ng Mandaluyong Regional Trial Court.

Bukas naman ang Remate Online sa pahayag ni Marc. JP Ignacio