Home NATIONWIDE ‘Back to normal’ sa Senado sa ilalim ni SP Win, inaasahan ni...

‘Back to normal’ sa Senado sa ilalim ni SP Win, inaasahan ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “back to normal” na ang Senado matapos maplantsa ang gusot sa liderato makaraang mahalal si Sherwin Gatchalian bilang Senate President.

“Sana naman, sa paglagay kay Sen. Sherwin [Gatchalian] bilang SP ay mabalik naman tayo sa normal na patakbo ng Senado,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa Kazan, Russia.

Pinuri ng Pangulo ang mga mambabatas para sa maayos na special session na idinaos nitong Hunyo 17.

“That is exactly what we have been all hoping for, that things become orderly, na maging maayos ang takbo ng Senado,” aniya.

Inamin ng Pangulo na nalungkot siya nang maantala ang pag-apruba sa LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) priority bills at appointments sa Department of Foreign Affairs at militar nang hindi magdaos ng sesyon ang Senado sa nakalipas na ilang araw.

“All of those just came to a dead stop noong nagkakagulo, noong hindi pumapasok yung mga senador, hindi sila nagse-session,” aniya.

At nang hingan naman ng komento ang Pangulo ukol sa pagkakatalaga kay Sen. Chiz Escudero bilang Senate Impeachment Court presiding officer sa kaso laban kay Vice President Sara Duterte, ang tugon nito ay, “I will support whoever the Senate chooses as long as the process that they undertook in making the choice is proper, is legal, is constitutional. Then that’s fine with me.”

Aniya pa, ang mga puna at kritisismo laban kay Escudero ay “opinions.”

“I don’t think that reflects in any way on what, how he will do,” diin ng Pangulo.

Nauna rito, itinalaga ng bagong majority bloc ng Senado si Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang pagtatalaga kay Escudero bilang presiding officer ng impeachment court ay magiging opisyal sa pagpupulong ng korte sa Hulyo 6, 2026.

Binanggit ni Lacson na napili si Escudero dahil isa itong abogado at sa kanyang malawak na karanasan sa mga proseso ng impeachment.

“Kaya iyon ang pinagkasunduan ngayong umaga, bagaman maaari pa rin itong magbago. Iminungkahi rin ito ni Sen. Win (Sherwin Gatchalian),” aniya tungkol sa bagong Pangulo ng Senado.

Tinanggihan din niya ang mga haka-haka na ang hakbang ay ginawa kapalit ng desisyon ni Escudero na sumali sa bagong mayorya ng Senado. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here