MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Senator Ronald Bato Dela Rosa at Senator Win Gatchalian ng Senate Finance Subcommittee E ang budget hearing hinggil sa panukalang ₱295.18 bilyong budget ng Department of National Defense (DND) para sa taong 2026 na dinaluhan nina Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro at General Romeo Brawner Jr, Chief of Staff Armed Forces of The Philippines.
Tinalakay ang badyet ng DND na nagkakahalaga ng ₱295 bilyon nitong Martes, Oktubre 7, 2025, kung saan ipinakita ng mga senior defense official ang inayos na estratehikong direksyon na nakatuon sa pagtatanggol sa kapuluan, integridad ng teritoryo, at kamalayan sa karagatan.
Binigyang-diin ng pagpupulong ang mga priyoridad na programa ng DND sa ilalim ng Binagong Balangkas ng Modernisasyon ng AFP, kabilang ang Comprehensive Archipelagic Basing System, isang inisyatibang dinisenyo upang palakasin ang posisyon ng depensa ng Pilipinas sa mga sona ng dagat nito. CESAR MORALES







