Home NATIONWIDE Bagong ambassador mula Slovak Republic, Papua New Guinea at Lao PDR sinalubong...

Bagong ambassador mula Slovak Republic, Papua New Guinea at Lao PDR sinalubong ni PBBM

129
0

MANILA, Philippines – Sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tatlong newly appointed ambassadors ng Slovak Republic, Papua New Guinea, at Lao People’s Democratic Republic to the Philippines at nagpahayag ng kumpiyansa ng mas pinalakas na kooperasyon sa mga nasabing bansa.

Sa pahayag nitong Biyernes, Pebrero 27, sinabi ng Presidential Communications Office na sinalubong ni Marcos sina Ambassador Stephen Pokanis ng Papua New Guinea, Miloš Koterec ng Slovak Republic, at Thiphasone Sengsourinha ng Lao DPR sa pagpresenta ng kanilang mga credential sa isang seremonya sa Malakanyang.

Ani Marcos, karangalan niya ang salubungin si Koterec bilang kauna-unahang resident ambassador ng Slovakia sa Pilipinas.

Iginiit niya ang malakas na potensyal para sa pagpapalawak ng kolaborasyon at sinabi ang wide range ng mga aktibidad sa pagitan ng Pilipinas at Slovak Republic na maaaring tuklasin at pag-usapan.

Umaasa naman si Marcos na ang relasyon sa Papua New Guinea “will continue to grow and deepen in the future, through economic and people-to-people ties.”

Ani Marcos, ang Pilipinas at Lao PDR naman ay nakabuo na ng maayos na relasyon hindi lamang bilateral ngunit sa pamamagitan ng domestic contacts at ASEAN partnership.

“[T]here’s still much that we can do to promote that relationship,” sinabi ni Marcos.

Nagpahayag naman ng full commitment si Koterec sa pagpapaunlad ng tangible bilateral cooperation, kabilang ang economic cooperation, investments, at business partnerships.

Kinilala ng Pangulo ang potensyal na palakasin ang people-to-people relations, kabilang ang key contributions ng 1,500 Filipinos sa iba’t ibang sektor sa Slovak Republic.

Bukas din sa Pangulo ang pagnanais ng Slovak Republic na sumali sa Treaty of Amity and Cooperation sa Southeast Asia.

Sinabi ni Koterec na target din ng Slovakia ang substantial potential sa trade of knowledge at karanasan sa nuclear technology, education cooperation, academic partnership, at mutual mobility of people.

Kinilala naman ni Pokanis ang matibay na kooperasyon sa kalakalan, food investments, education at health services, at ang galaw ng mga tao sa pagitan ng Papua New Guinea at Pilipinas.

Sa pag-abot ng credentials kay Marcos, siniguro ng Lao PDR envoy ang kanyang full commitment “to further advancing the good bilateral relations and cooperation between the Lao PDR and the Philippines in the coming years.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here