Home ENTERTAINMENT Bagong bahay ni Camille, may elevator!

Bagong bahay ni Camille, may elevator!

Manila, Philippines – Featured sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano ang bagong bahay ni Camille Prats.

What a better way to appreciate its beauty than having a tour around the house?

May tatalong palapag ang bahay ng mag-asawang Camille at VJ Yambao.

Nasa third floor ang bedroom ng couple.

Siyempre, ginalugad sa pa-house tour na ‘yon ang portions ng nasabing bahay.

Bukod sa may basement ito, meron ding family room, playroom at gym area.

Sinadya rin ng couple na walang TV set sa living room as it’s reserved for casual conversations o kuwentuhan.

Wait, there’s more.

The couple’s house boasts of a lift as in elevator!

lilang celebrities ang may naka-install na lift in their residences.

Dyinustify naman ni Camille why they had to have one at home.

Unang-una, nasa third floor ang silid nilang mag-asawa.

Coming home tired from taping ay hindi na raw mahihirapan si Camille in taking the stairs.

May punto nga si Bernadette sa paglalarawan ng bahay ni Camille.

‘Yun daw ang tipo ng tirahan na kapag nasa loob ka na’y ayaw mo nang lumabas.

Of course, the only time Camille storms out of the house ay pag kailangan niyang magtrabaho.

Camille is cast in GMA’s Mommy Dearest under the helm of Gina Alajar. Ronnie Carrasco III

Previous articlePiolo, ‘hopia’ pa rin kay Juday!
Next articleIsyu sa right of way malaking hamon sa MM subway project