Home ENTERTAINMENT Piolo, ‘hopia’ pa rin kay Juday!

Piolo, ‘hopia’ pa rin kay Juday!

Manila, Philippines – Even at 47, may bucket list pa rin si Piolo Pascual.

His bucket list includes leading ladies he wishes to work with: puwedeng dati na niyang nakatrabaho at mga makakatrabaho pa lang.

Top of mind para sa tinaguriang The Ultimate Leading Man ay si Kathryn Bernardo.

Among the older ones naman, bet niyang maranasang makatrabaho: “Si Mega…si Ms. Sharon Cuneta since I haven’t worked with her yet!”

Sa hanay naman ng mga dati na niyang naka-tandem, Piolo’s hands down choice is who else but Judy Ann Santos.

‘Yun nga lang, mababanaag ang lungkot sa mga mata ng aktor: “Kaso ayaw niya…”

Piolo can only pin his hope na i-reconsider ni Juday ang kanyang pasya in the future.

“Should Juday change her mind, I’ll go grab the opportunity!”

Huwag sanang personalin ng mga fans ni Piolo ang outright na pag-ayaw ni Juday na makatrabahong mull ang aktor.

Let’s face it, sa puntong ito ng career ng aktres ay hindi na ito kagaya noong araw na sunggab na lang siya nang sunggab.

Pasasaan ba’t humahanap din lang ng tamang timing si Juday.

Of the projects pitched to her–kung naikuwento na nga ni Gladys Reyes–parang mas interesadong gawin ni Juday ang Mara Clara: The Concert.

This will not only reunite Juday with Gladys, puwede ring magkaroon doon ng partisipasyon ang mga anak nila ng kanyang soap contemporary. Ronnie Carrasco III

Previous articleKontribusyon ng kababaihan sa lipunan kinilala ni PBBM
Next articleBagong bahay ni Camille, may elevator!