Home NATIONWIDE Kontribusyon ng kababaihan sa lipunan kinilala ni PBBM

Kontribusyon ng kababaihan sa lipunan kinilala ni PBBM

MANILA, Philippines – KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan na nagtutulak sa pag-unlad ng bansa.

Ngayong ipinagdiriwang ang International Women’s Day, binigyang-diin ng Pangulo na ang pagiging determinado ng mga kababaihan na makatulong para bigyang- hugis ang pag-unlad, giit ng Punong Ehekutibo na may pangangailangan na harapin ang pagkakaisa na patuloy na kinahaharap ng mga kababaihan.

“In an age marked by rapid growth and transformation, it is imperative for the global community to honor the incalculable worth of women’s contributions across all facets of society and sustain the gains that have emerged from their countless struggles and sacrifices,” ayon sa Pangulo sa kanyang mensahe.

“Yet, within our relentless pursuit of progress, we must confront the inequalities and disparities that still persist. By ending gender-based violence, discrimination, and biases that cast shadows over the realization of women’s dreams, we actively engage in a mission that nurtures equity, inclusion, and empowerment,” aniya pa rin.

Dahil dito, nanawagan ang Pangulo sa publiko na tumulong na makamit ang mas inklusibong lipunan.

“Through our collective efforts, have faith that we will bring about a kind of change that stands the test of time, resonates across borders, and reverberates in the core of our societies,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

“Always remember that, by amplifying the voices of women, championing their rights, and reinforcing their fundamental freedom, we, in turn, elevate entire communities and nations, propelling ourselves towards a stronger, more equitable, and more progressive world for all,” aniya pa rin.

Ang International Women’s Day, ipinagdiriwang ngayong araw, Marso 8, ay isang global celebration na ginugunita ang “social, economic, cultural, at political achievements” ng mga kababaihan.

Ang kampanya ngayong taon ay “Inspire Inclusion.” Kris Jose

Previous articleMag-utol nasamsaman ng droga’t bala
Next articlePiolo, ‘hopia’ pa rin kay Juday!