Home METRO Mag-utol nasamsaman ng droga’t bala

Mag-utol nasamsaman ng droga’t bala

BUGUEY, Cagayan – Sa kulungan ang bagsak ng magkapatid ng sila’y silbihan ng search warrant ng pulisya matapos na masamsaman ng droga’t mga bala ng baril sa kanilang bahay sa Brgy. Centro, Buguey, Cagayan

Ayon kay PMaj.Marlou del Castillo, hepe ng Buguey Police Station ay sabay na hinalughug ng operatiba ang bahay nina Ernest Jan Sotelo at kapatid nitong si Nicu Sotelo na empleyado ng Local Government Unit o LGU na tinaguriang High Value Target o HVT ng pulisya na kapwa residente sa naturang lugar.

Nasamsam sa bahay ni Ernest Jan ang humigit-kumulang isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800 at siyam (9) na piraso ng bala ng caliber 45 na baril kabilang ang ilan drug parapernalya.

Sa parehas na search warrant operation ng pulisya sa bahay ng kanyang kapatid na si Nicu na itinuturing na kabilang sa mga nasa listahan ng High Value Target Individual na nasamsam ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu at ilan drug parapernalya.

Matapos ang isinagawang monitoring at validation kaugnay pagbebenta ng illegal drugs ng mga magkapatid ay agad pinagtibay at inilabas ng korte ang search warrant laban sa dalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehenssive Dangerous Drugs Act of 2002 at pag-iingat ng pinagbabawal na bala ang magkapatid. Rey Velasco

Previous articleDOJ wala pang natatanggap na extradition request mula sa Amerika vs Quiboloy
Next articleKontribusyon ng kababaihan sa lipunan kinilala ni PBBM