Home NATIONWIDE DOJ wala pang natatanggap na extradition request mula sa Amerika vs Quiboloy

DOJ wala pang natatanggap na extradition request mula sa Amerika vs Quiboloy

MANILA, Philippines – Wala pang natatangap na extradition request mula Estados Unidos ang Department of Justice laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJOC) founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay sa kabila ng kautusan ni Central District of California Judge Terry Hatter Jr. na buksan na ang arrest warrants laban kay Quiboloy at sa mga kapwa nito akusado kaugnay sa mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children, conspiracy, at cash smuggling.

Sinabi ni DOJ Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano, wala pa sila natatangap na extradition request mula Estados Unidos sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs.

“It’s difficult, however, to speak on hypothetical situations. The government’s goal is to attain Justice in whatever form and through the best forum,” ani Clavano.

Mismong ang United States Attorney Criminal Division na may hawak sa kaso ni Quiboloy ang humiling ng “unsealing of the arrest warrant.”

Sinabi naman ni Atty Lara Gregory ng New York na ang pagbubukas ng arrest warrant ang maaring unang hakbang para masimulan ang extradition process ng US Department of Justice.

Ngayon na binuksan na ang arrest warrants kay Quiboloy, maaari nang mag-isyu ang INTERPOL ng Red Notices.

Si Quiboloy, Helen Panilag, at Teresita Tolibas Dandan ay nananatiling remain wanted ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at pinaniniwalaan na nasa Pilipinas. Teresa Tavares

Previous articlePH, Germany lalagda ng kasunduan sa maritime trade
Next articleMag-utol nasamsaman ng droga’t bala