Home NATIONWIDE PH, Germany lalagda ng kasunduan sa maritime trade

PH, Germany lalagda ng kasunduan sa maritime trade

MANILA, Philippines – INAASAHAN na lalagdaan ng Pilipinas at Germany ang kasunduan ukol sa maritime sector cooperation, technical at vocational education at training sa nakatakdang working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Germany sa susunod na linggo.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algabre ng Office of European Affairs na ang pagbisita ng Pangulo sa Germany at Czech Republic ay nakatuon sa pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan at maging ang ipaabot ang imbitasyon sa German at Czech companies na palawakin ang kanilang presensiya sa Pilipinas.

“In Germany, in terms of government-to-government agreements, there will be a joint declaration of intent on strengthening cooperation in the maritime sector, which will be signed by both countries’ transportation agencies,” ayon kay Algabre.

“These JDIs seek to facilitate maritime trade and mobility of Philippine and German-owned commercial vessels,” aniya pa rin.

Winika pa nito na magkakaroon ng paglagda sa cooperation program sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at German Federal Institute for Vocational Education and Training (BIBB), naglalayong ipagpatuloy ang TESDA-BIBB’s partnership pagdating sa technical and vocational education and training (TVET).

“Also part of the President’s itinerary includes attending business fora to be participated in by prominent German business leaders and major companies intending to take advantage of the Philippines’ continuing impressive economic performance and conducive investment environment,” ang sinabi ni Algabre.

Habang sa Germany, makakapulong naman ng Pangulo ang overseas Filipino workers (OFWs) para personal na ibahagi ang mga plano at programa ng kanyang administrasyon para sa mga ito at muling pagtibayin ang agenda at commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa pagsuporta sa mga overseas Filipino.

Samantala, kapuwa naman gugunitain ng Germany at Pilipinas ang ika-70 taong anibersaryo ng bilateral relations, itinatag noong Oktubre 8, 1954. Kris Jose

Previous articlePilipinas nakapagtala ng $102.7-B foreign reserves noong Pebrero
Next articleDOJ wala pang natatanggap na extradition request mula sa Amerika vs Quiboloy