Home NATIONWIDE Isyu sa right of way malaking hamon sa MM subway project

Isyu sa right of way malaking hamon sa MM subway project

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na makukumpleto ang P488 bilyong Metro Manila Subway Project sa 2029 sa kabila ng nagpapatuloy na isyu sa right-of-way issues.

Aminado ang DOTr na ang awarding ng tatlong natitirang contract packages para sa subway ay muling naurong sa ikatlong kwarter ngayong taon dahil nagpapatuloy ang negosasyon sa mga apektadong landowners at property holders.

Unang nilalayon ng DOTr na magkaroon ng CP 105, 108 at 109 na iginawad noong nakaraang taon ngunit na-reschedule iyon sa unang quarter ng 2024 at pagkatapos ay naantala sa pangalawang pagkakataon.

“Kailangang siguraduhin muna natin na yung right of way natin ay makuha kasi ang magiging problema natin here, if we enter into contracts with a contractor and then may mga issues pa tayo sa right of way, baka hindi magsimula on time. Magkakaroon ng tinatawag na prolongation cost,” explained Bautista.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, nagkaroon ng problema ang DOTr kapwa sa pribadong sektor at maging sa ilang ahensya ng gobyerno.

“Yung isang station namin ay may tatamaan na isang building na pag-aari ng Department of Education (DepEd) and that building is considered a cultural property. Kailangan ayusin natin papaano natin maililipat yung building or posibleng ilipat din yung station,” sabi ni Bautista na tinutukoy sa planong Senate-DepEd station sa Pasay.

Ayon pa kay Bautista, maraming homeowners ang ayaw sa dlsubway construction malapit sa kanilang property pero aniya pinapawo ng DOTr ang kanilang alalahanin sa kaligtasan.

Sa ngayon, ang progress rate para sa right-of-way acquisition ay nasa humigit-kumulang 55 percent.

Tiniyak naman ni Bautista sa publiko na ang DOTr ang nangunguna rito at malulutas ng ahensya ang mga isyu sa tamang panahon.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Jeremy Regino na inaprubahan ni Bautista ang pagkuha ng mas maraming tauhan para makatulong sa pagpapabilis ng proseso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBagong bahay ni Camille, may elevator!
Next articleDating sundalo ginilitan sa leeg ng utol