Home HOME BANNER STORY Bagong barko ng China namataan kapalit ng monster ship – PCG

Bagong barko ng China namataan kapalit ng monster ship – PCG

MANILA, Philippines – Pinalitan ng isa pang barko ng China ang “monster ship” sa illegal na pananatili malapit sa Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Pebrero 1.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), matagumpay na naitaboy ng BRP Teresa Magbanua ang Chinese Coast Guard (CCG) 3304 palayo sa baybayin ng Zambales, ngunit kalaunan ay pinalitan ng CCG-5901.

“Despite this, the PCG is effectively maintaining a distance of approximately 110-115 nautical miles from the coast of Zambales,” pahayag ni Tarriela.

Idinagdag pa niya na ang “crew aboard BRP Teresa Magbanua demonstrated remarkable courage and resolve, remaining unfettered by the presence of the massive CCG-5901.”

Noong Huwebes, iniulat ni Tarriela na ang CCG-5901 ay namataan sa layong 103.63 nautical miles mula sa Zambales, kasabay ng pagkakamonitor sa dalawa iba pang barko.

Aniya, ang “CCG-3502 is at around 115.22 nautical miles, and CCG-3103 is positioned approximately 134.10 nautical miles from the coast of Zambales.”

Muling iginiit ng tagapagsalita na ang aksyon ng China Coast Guard ay labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Nakahanda naman ang PCG sa pagprotekta sa karapatan ng mga mangingisdang Pinoy sa pagpapanatili ng maritime rights nito, at pagsisikap na mapahupa ang tensyon sa WPS. RNT/JGC