MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang easterlies sa Bicol Region at Quezon Province.
Ayon sa PAGASA, ang kaparehong kondisyon ay mararanasan din sa Cagayan Valley at Aurora dahil naman sa Northeast Monsoon o Amihan.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang aasahan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon dahil sa kaparehong weather system.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm. RNT/JGC