Home METRO Bagong City Hall ‘campus’ itatayo sa Pasig

Bagong City Hall ‘campus’ itatayo sa Pasig

MANILA, Philippines- Itatayo ng Pasig City ang bagong City Hall “campus” na papalit sa mga kasalukuyang gusali na ayon sa assessors ay “structurally inadequate” na, sabi ni Mayor Vico Sotto nitong Linggo sa “Gabi ng Pasasalamat” event sa pagdiriwang ng 450th founding anniversary ng Pasig.

Inihayag ni Sotto na ito ang magiging pinakamalaking proyekto sa kasaysayan ng Pasig City, na nangangailangan ng 10-year masterplan, habang aabutin naman ng dalawang taon upang buuin ang bagong City Hall. Hindi niya idinetalye kung magkano ang aabutin sa pagpapagawa nit.

Magkakaroon ang mga gusali ng espasyo at palaruan para sa mga kabataan ng lungsod,  gagawing earthquake-proof na may evacuation center at senior citizen’s center, dagdag ng alkalde.

Palalawigin ang renovation hanggang sa Mega Market, na makatutulong din sa market vendors, ayon kay Sotto.

Nauna na siyang nagpahiwatig sa social media ukol sa plano:“We have started to outline the plan not because we want it, but because we need it. Our sense of urgency is strong because the danger continues to be more imminent.”

Ipinaliwanag ni Sotto na nagsimula ang kasalukuyang city hall sa mas maliit na municipal building noong 1963. Sa pagdaan ng mga dekada, naging tatlong gusali ito, na bumubuo sa kasalukuyang Pasig compound. RNT/SA

Previous articleDFA: Alert status sa Myanmar, Level 2 na lang
Next articleHigpit-seguridad ikinasa sa UP Diliman sa campus sexual assault incident