MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. si dating House Secretary General Marilyn Barua-Yap bilang bagong chairperson ng Civil Service Commission (CSC).
Kinumpirma ito ng Office of the Executive Secretary noong Huwebes. Ang kanyang termino ay magtatapos sa Pebrero 2, 2029.
Pinalitan ni Barua-Yap si Karlo Nograles matapos umalis ang huli sa kanyang puwesto nitong unang bahagi ng buwan.
Bago ang kanyang appointment sa CSC, si Barua-Yap ay nagsilbi bilang undersecretary para sa Special Concerns Office (SCO) at External Affairs and Communications Operations Office (EACOO) ng Department of Agrarian Reform (DAR). RNT