Home NATIONWIDE Bagong drainage project sa Taft Ave., ininspeksyon ng DPWH

Bagong drainage project sa Taft Ave., ininspeksyon ng DPWH

47
0

MANILA, Philippines – Nag-inspeksyon si DPWH Sec. Vince Dizon sa katatapos lamang na Drainage Project sa Taft Avenue sa Maynila.

Partikular sa pagitan ng Kalaw hanggang Ayala Blvd. northbound na tapat ng Sta. Isabel College of Manila.

Naisagawa ang nasabing proyekto matapos ng halos isang taon ang nakalipas.

Kasama ni Dizon si Manila City Mayor Isko Moreno na nag-inspeksyon ngayong umaga.

Inabot umano ng P50 milyon ang inilaang pondo sa halos 250 metro na drainage improvement project.

Maging ang Estero de Balete ay una na rin idinamay sa pagsasa-ayos lalo na’t ito ang dadaluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.

Muling naman iginiit ng kalihim na sisikapin ng DPWH na mapalawak at maayos ang drainage sa magkabilang panig ng Taft Avrnue sa susunod na taon kung saan paglalaanan nila ito ng P1.2 bilyong pondo.

Layon nito na maiwasan o kahit papaano ay mabawasan ang nararanansan pagbaha upang hindi mahirapan ang publiko partikular ang mga estudyante kapag umuulan o may bagyo.

Nagpasalamat naman si Yorme Isko at ang pamunuan ng kolehiyo sa mabilis na trabaho ng DPWH dahil malaking tulong ito sa publiko maging sa mga estudyante sa panahon ng pagbubukas ng klase. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here