MANILA, Philippines- Tinanggap ng Philippine Navy, araw ng Martes ang pagdating sa Pilipinas ng bagong guided missile corvette-class warship mula South Korea na may advanced weapons at radar systems na ipinangalan sa rebolusyonaryong heneral ng Pilipinas at bayani na si Miguel Malvar.
Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang arrival ceremony para sa future BRP Miguel Malvar sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales.
“Miguel Malvar is here today not only to serve as a deterrent and protector of our waters but also as an important component in joint and combined operations as we work alongside allies and uphold the norms of international law,” ayon kay Teodoro.
Ang 3,200 toneladang warship ay isa sa dalawang corvette-class warships na parte ng kasunduan ng Pilipinas at South Korea noong 2021.
Para sa Kalihim, ang pagdating sa bansa ng guided missile corvette-class warship ay “critical step toward developing a self-reliant and credible defense posture.”
“One of the hallmarks of an investment horizon for this country is the blue economy. How can you develop a blue economy if you do not have a strong navy? You need a strong navy as an anchor, as a backbone, as a spine of the blue economy,” ang sinabi ni Teodoro.
“So, this is our offering to those that went before us, to the heroes who went before us, who we will honor tomorrow,” dagdag niya.
Sa naging talumpati ni Teodoro, sinabi nito na ang pagdating ng BRP Miguel Malvar sa bansa ay hindi lamang upang magsilbing deterrent at tagapagtanggol ng ating mga katubigan kundi bilang isang mahalagang bahagi sa joint at combined operations kasama ang mga kaalyadong bansa.
“We thank our reliable partners, the people and the government of the Republic of Korea… not only in providing capabilities, but in building sustainability, redundancy, and resilience through actual capital investments,” ang sinabi ni Teodoro.
Magugunitang unang inanunsyo ang kasunduan para sa dalawang bagong warships noong 2021, limang taon matapos manalo ng kontrata ang Hyundai Heavy Industries para sa paggawa ng dalawang bagong frigate para sa Philippine Navy.
Ang Corvettes ay maliit at mabilis na barkong pandigma na pangunahing ginagamit sa pagprotekta sa ibang mga barko mula sa mga pag-atake.
Ang pagdating naman ng bagong barkong pandigma ng Pilipinas ay sa gitna ng patuloy na komprontasyon sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea. Kris Jose