Home ENTERTAINMENT First crush ni Kathryn, nag-trending!

First crush ni Kathryn, nag-trending!

Manila, Philippines- Tila may manhunt o malawakang paghahanap sa isang lalaking nagngangalang Kenneth na inamin ni Kathryn Bernardo na una niyang non-showbiz crush.

Ni-reveal kasi ng mga on-cam talents ng Pilipinas Got Talent ang kani-kanilang mga crush.

Kung ang iba sa kanila’y kapitbahay nila noon, kapwa artista naman ang kay Robi Domingo–si Shaina Magdayao.

Pagdating kay Kathryn ay hindi muna niya ito pinangalanan.

All she revealed was that kaeskuwela raw niya ito noong Grade Il at mestiso.

Tubong-Cabanatuan City sa Nueva Ecija si Kathryn.

The Kapamilya actress later revealed her first crush’s name.

Kenneth daw ang pangalan nito, hindi na niya binanggit ang apelyido.

Dahil sa rebelasyon ng aktres kung kaya’t nais galugarin ng kanyang mga fans kung saan matatagpuan ang Kenneth na ‘yon.

Nag-trending pa ito sa X (dating Twitter).

May nakasaliksik naman tungkol sa whereabouts ng Kenneth na ‘yon.

Isang doktor na raw ito ngayon, ayon sa mga nag-research. Ronnie Carrasco III