Home HOME BANNER STORY Bagong iskedyul sa 2026 budget hearing itinakda ni Gatchalian

Bagong iskedyul sa 2026 budget hearing itinakda ni Gatchalian

250
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Gatchalian, nakaplano sanang simulan ang period of amendments noong Lunes (Dec. 1), aprubahan sa second reading kinabukasan, at bigyan ng oras ang mga senador na suriin ang clean copy bago ang third reading.

Pero naantala ng isang araw dahil sa sunog na nag-iwan ng tubig at bumagsak na kisame sa session hall.

Isinaad ni Gatchalian ang magiging bagong schedule:

–Dec. 2: Period of amendments

–Dec. 3: Approval on second reading

–Dec. 9: Approval on third reading

–Dec. 11–13: Bicameral conference committee meetings (tentative)

–Dec. 16: Target signing ng bicam report

–Dec. 29: Tentative signing ng 2026 national budget

Sinabi ni Gatchalian na mahalagang may isang araw na pagitan sa amendments at second reading para mabasa ng mga senador ang mga pagbabago—hindi tulad ng mga nakaraang taon na minsan sabay-sabay ginagawa ang amendments, second reading, at third reading.

Dahil sa nangyaring insidente sa Senado, hiniling ni Gatchalian na mag-session ang Senado kahit holiday ang December 2. Pumayag ang mga senador, at tanging mga empleyadong kailangan para sa session ang papasok.

Inihahanda rin ng Senado ang lugar para sa bicam sa isang government-owned venue sa Intramuros, na libre maliban sa catering. Tatlong araw ang target na meeting (Dec. 11–13), ngunit pwede pang humaba depende sa usapan.

Ang mga session ay ililivestream, ayon sa mungkahi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Na-upload na rin online ang committee report, at pati ang third reading version ng budget ay ipo-post din—isang hakbang na hindi nagagawa dati.

Inamin ni Gatchalian na maigsi ang timeline at may kaunting pangamba siya sa posibilidad ng reenacted budget kung magkakaroon pa ng delay.

Ang ratification ay target sa Dec. 17, at ang pirma ng Pangulo ay target sa Dec. 29, dalawang araw bago magbagong taon, kaya’t kailangan aniya ng overtime ng staff.

Gayunman, sabi niya, sa kasalukuyang iskedyul ay mukhang hindi naman mauuwi sa reenacted budget, basta walang mangyaring aksidente o sakuna.

“Malapit na. Talagang mabilis ang takbo,” ani Gatchalian, sabay sabing ginagawa ng Senado ang lahat para masunod ang timeline, kabilang ang pag-session kahit holiday. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here