Home NATIONWIDE Bagong national scientists pinangalanan ni PBBM

Bagong national scientists pinangalanan ni PBBM

MANILA, Philippines- Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang national scientists bilang pagkilala sa kanilang malaking kontribusyon sa larangan ng genetics, nematology, at plant pathology.

Nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamations 642 at 643 noong Agosto 2, nagdedeklara kina Carmencita David Padilla, MD, MAHPS, at Romulo Gelbolingo Davide, Ph.D. bilang national scientists, bilang tugon sa rekomendasyon ni Science and Technology Secretary Renato Solidum at National Academy of Science and Technology.

Pareho namang nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang dalawang proklamasyon at ginawang available sa media, araw ng Huwebes.

Si Padilla ay kinilala sa kanyang trabaho sa larangan ng genetics na nakapag-ambag sa pagsasabatas ng Republic Act (RA) 9288, o Newborn Screening Act of 2004, at RA 10747, o Rare Diseases Act of the Philippines.

Ang mga nagsabing batas ay naglalayon na pigilan ang mental retardation at pagkamatay mula sa ilang congenital disorders na natutukoy pagkapanganak pa lamang.

Samantala, si Davide ay kilala para sa kanyang trabaho sa larangan ng nematology at plant pathology na nagresulta sa pag-develop ng biological control agent laban sa nematodes, nagbigay sa mga magsasakang Pilipino ng alternatibo sa chemical nematicides.

Sa pamamagitan ng Presidential issuances, ang dalawang eksperto ay pagkakalooban ng ranggo at titulong national scientist na may pribilehiyo at emoluments sa pamamagitan ng kasalukuyang batas.

Ang rank at titulo ng national scientist ay nilikha sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 1003-A na ipinalabas noong Dec. 16, 1976 ng ama ni Pangulong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Ang parangal ang “highest title” na ipinagkakaloob ng Pangulo ng Pilipinas mga Pilipino na may “outstanding achievements” sa agham at teknolohiya. Kris Jose