Home ENTERTAINMENT Pamilya ni Myra Manibog, nanghihingi ng tulong!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pamilya ni Myra Manibog, nanghihingi ng tulong!August 8, 2024 17:32 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Marami pa rin ang nakakaalala sa dating sexy star na si Myra Manibog.Dating alagang artista ni Dr. Rey dela Cruz along with the so-called Softdrink Beauties.Of late, nakapanayam ni Julius Babao si Sarsi Emmanuel na maganda na ang buhay ngayon.Pero kung ano ang ikinaganda ng buhay ni Sarsi ay kabaligtaran naman sa kaso ni Myra.Through her daughter Alekzandra Nicolle, humihingi ang mga kaanak ni Myra ng tulong pinanayal para sa kanyang pagpapaospital.Nitong May 24 ng kasalukuyang taon nang ma-confine sa Makati Medical Center si Myra sa loob ng 17 araw.Bagama’t may mga nag-abot ng tulong, kinailangan pa niyang magbenta ng gamit para mabayaran ang kanyang hospital bills.Pero makalipas lang ng dalawang buwan ay balik-Makati Med uli si Myra.Ito’y para gamutin ang kanyang liver at abdominal abscess for which she had to be operated on.Mula OR ay kailangang ilipat si Myra sa ICU dahil sa unstable blood pressure at low oxygen level nito.May risk kasi si Myra na ma-comatose.Muli na namang kumakatok si Myra sa mga may mabubuting puso dahil umabot na sa kulang-kulang na P745,000 ang hospital bills niya.Puwera pa rito ang doctor’s fees.Sa mga taong may sobrang konti sa buhay, hindi naman siguro kalabisan ang mag-abot ng tulong.Panawagan din ito sa mga kilalang matulungin sa showbiz na minsang naging bahagi si Myra. Ronnie Carrasco III